Monday, June 1, 2009

bakit single ka pa rin?!

isa yan sa mga quizzes sa Facebook na sinagutan ko. syempre, single pa ko kaya ko sinagutan yan. eto ang resulta. at natawa ako, at medyo nainis. :P

hmmm.. ilang buwan na ba akong single? 11 months na 'kong single! malapit na mag-isang taon. hindi naman ako tulad ng ibang tao na parang hindi mabubuhay ng walang boyfriend. *no offense* pero minsan, hindi ko maiwasang tanungin ang aking sarili.. bakit nga ba single pa 'ko? siguro, isa sa mga dahilan, maselan ako.. choosy kumbaga. (parehas ba meaning?) syempre, may standards din ako noh. hindi pwedeng basta-basta lang. pero kung tatanungin mo 'ko, ano nga ba gusto ko sa isang lalaki? sa totoo lang nahihirapan akong sagutin. :P pero syempre, tulad ng iba, gusto ko ay: mabait, malinis na katawan (at sa ibang bagay), tapat, hindi sinungaling, may pangarap sa buhay, at syempre, ehem, yung may maganda/presentableng tignan. kahit di kagwapuhan, basta. haha. teka, sino ba gusto ng hindi maganda sa paningin? pero sabi nga nila, "sa kapipili, ang nakukuha ay bungi." kaya pag may nagbabalak manligaw sakin, aba, kelangan ng thorough assessment yan noh!

at ang mga iba pang dahilan ay: siguro, talagang hindi ko pa siya nakikita/nakakasalubong/nakakasama/nakakausap/nakikilala. o baka naman hindi ko lang alam, sabi ng subconscious mind ko, hindi yan ang priority ko sa buhay. kaya nga napapaisip ako sa quiz na yan eh. wala na daw akong pag-asa. tanggapin ang katotohanan na ako'y single forever. may pahabol pa, kawawang nilalang daw ako. kawawa nga ba? mas kawawa naman siguro ako kung meron nga akong boyfriend, pero tulad nung mga nauna, manloloko lang din at babaero. ayoko na kayang maranasan ulit yun. minsan hindi ko mapigilang isipin na pare-parehas lang ang mga lalaki. kahit gaano pa 'yan kabait, kagwapo o katalino, manloloko pa rin. (eg. HK) kilala mo?:P

kelan ko nga kaya matatagpuan si prince charming? 'pag nakita ko ba siya, siya na talaga, o isa na naman siyang prince charming na pag nahalikan nagiging palaka? (baliktad?) :P

haha. kawawang nilalang. :P

4 footnotes:

boogiepeachy said...

sa relationship kelangan talaga ng risk. maghintay ka lang at darating din yun :D

bloodytom said...

hanlalim ng mga figures of speech ah tandaan, wag humusga. hindi lahat ng lalaki ay babaero ;)










may mga lalakero din hahahaah

CHA :) said...

hahaha te phine parehas tayo:))))) apir!

Anonymous said...

haha naman ang hon ko...huhu yaan mo hon d aq babaero............







lalakero lng...hahahaha! juk lng pinapatawa lng kita masyado ka serious hon e..chir up - aldrin

Post a Comment