Sunday, July 26, 2009

RN '09 :)

Wow, i just can't believe that I am one of these 32, 617 NLE Passers! Honestly, after taking the board exam, I have a doubt that I will not pass. Because during the review period, I'm just here, at the house, reviewing when I'm in the mood, and spent most of my time surfing the internet. While the other students, attends the review centers, sit and listen for 8 hours and practice their test taking skills. Clearly, God loves me so much and wants me to have a better life, although I know that some of my actions disappoint Him.

I cannot ask for more, this is more than enough. I'm so glad I passed this exam. And I promised God that when I pass and now I did, and when I am able to earn money, I will help Cancer patients and street children.

To my fellow batchmates who passed all over the Philippines, Congratulations! Let us not waste this very big opportunity God has given us, not just to make our lives better, but also help those people who needs our assistance. Let's make our family, friends and other people proud by doing the best things as a great nurse. And for those who didn't make it, as they say, don't lose hope. You can still do better this November!

I am no longer Josephine L. Mick, SN '09... as of now, I am JOSEPHINE LAUTE MICK, RN '09 :))

For the complete list of sucessful examinees, click here.

Or visit Inquirer.net for more details.

Monday, July 20, 2009

R.N. - Resting Nurse

simula nang nagtake ako ng board exam noong June 6 and 7, 2009... lagi kong tinatanong sa aking sarili kung kailan ba talaga ilalabas ang result ng board exam. sabi nila, August... kahit papano nabawasan ang level ng anxiety ko. from severe naging mild na lang :))

halos 2 months na kong bum, tambay, nakatunganga, nagpapahinga, nakatengga, o kung anu pa man pwedeng itawag sa isang tulad ko. laging nasa bahay, lumalabas lang para magdrive, mag-grocery, magsimba, o makipagdate :D naisip ko tuloy, kahit tamad ako sa mga gawaing bahay, ayoko naman ng ganito. mas gusto ko kasi yung tulad ng dati, pumapasok sa school, nagduduty.. hindi tulad dito sa bahay... tulog, kain, plurk, friendster, facebook, ym at ragnarok, ligo, kain, tulog, gising.. ganyan ang ginagawa ko.. naisip ko, hindi pwedeng tumagal ang ganitong sitwasyon sa buhay ko. gusto ko may ginagawa akong something productive.

kahapon, July 19, 2009, habang nakikipagdate, may natanggap akong text message mula sa mga dating kaklase.. madaling araw daw ilalabas ang resulta ng board exam. syempre kinabahan ako. muntik nang ma-spoil ang date ko. hmp! at pag-uwi, ako naman si naniwala agad, naghintay hanggang madaling araw para makita kung nandun na nga ang pinakahihintay ng lahat. syempre, WALA PA!!!

sa totoo lang, hindi ko gusto ang sistema sa pagrelease ng result, (opinion lang po). sana, may nilalalabas silang kahit tentative date man lang kung kelan nila pwede ilabas ang resulta. hindi yung nanghuhula yung iba, at yung iba eh naniniwala at natataranta sa sabi sabi ng iba. sana may ganun, hindi yung kung kelan na lang nila matripan ilabas ang resulta. kahit naman matagal eh, basta may idea kung kelan, hindi yung "BASTA AUGUST", sana "on or before AUGUST 15". siguro nga sa dami ng nagte-take ng board exam ay hindi magkamayaw ang BON sa pagcheck ng answer sheets. pero on my part, grabe ang pressure. sabi nga nila, patience is a virtue. kaya ok fine. kung hindi lang naman masyadong excited ang iba sa pagkakalat ng mga message na lalabas na ang result, at hindi naman pala sigurado, hindi ako magrereklamo.

kung makapasa man ako ng nursing board exam, isa lang ang hinihiling ko, sana hindi ako tuluyang maging R.N. na RN.. as in, resting nurse. hehe. kaya pag lumabas ang result, PILIPINAS!!!! humanda ka dahil susuyurin ko lahat ng ospital para makapag-apply. kahit alam kong imposible yun hehehe.

naisip ko, kawawa talaga ang mga nurses dito sa Pilipinas. nakapagtapos nga sila ng pag-aaral, nakapasa nga ng board exam, pero marami pa rin ang unemployed. siguro, maraming dahilan bakit ganun, isa na dito ay kakaunti lang naman ang mga ospital na kayang bigyan ng opportunity ang lahat ng mga nurse dito. yung iba, kung hindi man unemployed, iba naman ang trabaho, yung iba sa call center. kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming gustong pumunta sa ibang bansa.

basta ako, pag nakahanap ako ng trabaho, pagbubutihin ko, saka ako pupuntang UK. bwahahahaha!!!!