Saturday, June 27, 2009

so unexpected♥

♥♥♥♥♥

pinilit ako ni bloodytom mag post ng bagong entry. hehehe so ok fine, panalo ka na. eto na. tsk, actually wala akong idea kung ano bang dapat kong i-post dito... but since something so unexpected happened, yun na lang.

to start things over, uh, about dun sa quiz sa Facebook na Bakit Single Ka Pa Rin?! syempre hindi yun totoo noh! hahahaha.. but first, naniwala ako dun. i thought wala na talaga akong pag-asa. dahil parang lagi na lang nauuwi sa "wala" yung mga past relationships ko. feeling ko malas ako sa lovelife. sabi pa nga ng ilang friends ko, "malas mo sa lalaki, phine!" i know it's a joke, pero half non totoo!:P parang napa-isip ako, siguro nga. pano ba naman, sa mga college friends kong girls, ako lang walang boyfriend! sabagay 4 lang naman kami eh. but everytime i'm with them, pag kasama nila boyfriend nila, syempre kahit papano naiinggit ako. hahahah. but i came to realize, by that time, i don't need somebody. it's just that damn peer pressure. para sakin hindi naman necessity yun eh. i'd rather wait forever than let someone break my heart for almost everyday.

bakit nga ba failure mga past relationships ko? i really don't know the reason. and i don't know who to blame either. ok first boyfriend-- for almost 3 years, nahuli kong may nililigawang iba. second boyfriend-- for 10 months, nagkagusto sa iba and then the last one, for one month, i don't know. haha. hindi nag-explain ng mabuti but then, i don't want to know the reason. i even had complicated situations with two guys, yung first, i thought he is the perfect and the right one. but that's what i thought. i forgot the saying that "nobody is perfect". he made promises, but promises are made to be broken, so of course nothing happened. pinaasa lang ako sa wala. gosh! ako yung girl ako pa yung pinaasa. hehe. after that i thought i learned by lessons, pero hindi pa rin pala. matigas ang ulo ko hahaha. there goes the same situation, but this time, it is deeper. even though it is complicated, we had this relationship for almost 5 months i think. hindi naging kami, pero parang kami. ganun yung nangyari. and then dumating yung araw na ayaw ko, yung iiwan na naman ako. he explained everything, pero dahil suspicious ako, hindi ako naniwala sa excuses nya. nalaman ko na binalikan pa nya yung ex nya, so talagang nasaktan ako. after nun hindi ko na sya tinext-- no communication at all. 3 months kong tiniis yun. not that long para sa iba, pero long enough for me to miss him so much. :( within 3 months i know that deep inside sya pa rin. i tried to date other guys pero wala pa rin.

before magboard exam, nagkaron ulit kami ng communication. pero honestly, hindi na ko nag-expect kasi hindi naman siya yung tipo ng nagpaparamdam ng something. inisip ko baka friends lang ganun. then, June 24, 2009, online sya, online ako. he called me "what-we-used-to-call-each-other-before", and told me he missed me. hindi ako makapaniwala at first. sabi niya itetext nya ko after nya magsign-out. and then ginawa nga nya! akala ko may nagpapanggap na sya lang yun or whatever kasi nga hindi ako makapaniwala. pero tumawag sya saglit just to prove na sya nga yun! and then.. the next thing that happened, as they say, is history. he asked me kung kelan daw kami.. 24? sabi nya sa 25 (June) ko na lang daw sya sagutin. sabi ko ayoko kasi nagamit ko na yun at nagamit nya na din pala ang 24. hahaha. next month na lang daw. so yeah, everything happened, for me, is simply unexpected, and so unbelievable. i don't know what happened to him, nauntog ba sa pader?? haha. but one thing's for sure. this time it's not complicated. iba na ang situation, and i'm so happy about it. it was like a dream come true. the long wait is over. and may pinatunguhan ang paghihintay ko. ni hindi ko na nga naisip na dadating yung araw na yun eh! it just did! and i thank God for bringing him back to me. :) tama nga sabi nila, love comes when you least expect it! and this time, i hope everything will be alright. hehe.

i love you honey!♥

Tuesday, June 9, 2009

hayup ka!

nais ko lang ipamahagi sa inyo ang isa sa nadiskubre kong hayup, na nagngangalang Pepito. syempre hindi sya sa'kin. pero nakita ko siya sa youtube at wala akong ibang masasabi kundi, ang cute cute nya! sa totoo lang, may ganyan na din kami at ang pangalan nya ay Spyke cute din sya pero aaminin ko, mas cute si Pepito. bata pa ang huli, at si Spyke namin ay matanda na. nga pala, ang lahi nila ay Pug.

o, heto si Pepito.

heto naman si Spyke.

isa lang ang masasabi ko, mapatao, o hayup, cute pag baby pa. haha. malas na lang kung pinanganak talagang hindi. :P

Tuesday, June 2, 2009

Mga Loves Quotes ni Master Bob Ong

Ang mga sumusunod ay nakita ko lamang sa inaamag kong blog sa Friendster at ayon sa aking natatandaan, copy-paste ko ito sa isa sa mga bulletin na nakita ko. Natutuwa ako dito kaya eto, copy-paste ko ulit! :P

*Ang mga kulay ganito ay pinaniniwalaan kong pwede i-apply sa akin*

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

19. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

Pansin ko lang, puro sa love ata posts ko? (unsure)

Monday, June 1, 2009

bakit single ka pa rin?!

isa yan sa mga quizzes sa Facebook na sinagutan ko. syempre, single pa ko kaya ko sinagutan yan. eto ang resulta. at natawa ako, at medyo nainis. :P

hmmm.. ilang buwan na ba akong single? 11 months na 'kong single! malapit na mag-isang taon. hindi naman ako tulad ng ibang tao na parang hindi mabubuhay ng walang boyfriend. *no offense* pero minsan, hindi ko maiwasang tanungin ang aking sarili.. bakit nga ba single pa 'ko? siguro, isa sa mga dahilan, maselan ako.. choosy kumbaga. (parehas ba meaning?) syempre, may standards din ako noh. hindi pwedeng basta-basta lang. pero kung tatanungin mo 'ko, ano nga ba gusto ko sa isang lalaki? sa totoo lang nahihirapan akong sagutin. :P pero syempre, tulad ng iba, gusto ko ay: mabait, malinis na katawan (at sa ibang bagay), tapat, hindi sinungaling, may pangarap sa buhay, at syempre, ehem, yung may maganda/presentableng tignan. kahit di kagwapuhan, basta. haha. teka, sino ba gusto ng hindi maganda sa paningin? pero sabi nga nila, "sa kapipili, ang nakukuha ay bungi." kaya pag may nagbabalak manligaw sakin, aba, kelangan ng thorough assessment yan noh!

at ang mga iba pang dahilan ay: siguro, talagang hindi ko pa siya nakikita/nakakasalubong/nakakasama/nakakausap/nakikilala. o baka naman hindi ko lang alam, sabi ng subconscious mind ko, hindi yan ang priority ko sa buhay. kaya nga napapaisip ako sa quiz na yan eh. wala na daw akong pag-asa. tanggapin ang katotohanan na ako'y single forever. may pahabol pa, kawawang nilalang daw ako. kawawa nga ba? mas kawawa naman siguro ako kung meron nga akong boyfriend, pero tulad nung mga nauna, manloloko lang din at babaero. ayoko na kayang maranasan ulit yun. minsan hindi ko mapigilang isipin na pare-parehas lang ang mga lalaki. kahit gaano pa 'yan kabait, kagwapo o katalino, manloloko pa rin. (eg. HK) kilala mo?:P

kelan ko nga kaya matatagpuan si prince charming? 'pag nakita ko ba siya, siya na talaga, o isa na naman siyang prince charming na pag nahalikan nagiging palaka? (baliktad?) :P

haha. kawawang nilalang. :P